Noong nakaraang taon, may napulot akong
isang kakaibang kaisipan ukol sa pagtingin ng isang estudyante sa mga subjects sa kolehiyo na maaaring
makapagbago ng kaniyang pananaw sa mga
bagay na ito na unti-unting sumusunog ng kaniyang kilay. Ito ay ang Allison Logic. Ito ay hango sa pangalang
Allison Avellanosa na siyang
nag-introduce ng kaisipang ito. Siya ang aking room mate.
Upang mas malinaw kong maipaliwanag kung ano
ang Allison Logic ay dapat kong ikuwento kung paano ito nagsimula... Tatlo
kaming mag-roomates sa isang paupahan na kuwarto: Ako, si Kuya Jeff, at si Kuya
Allison. Nag-aaral ako noon para sa aking exam kinabukasan nang yayain ako ni
Kuya Allison maglaro ng DOTA kasama si Kuya Jeff. Ipinaliwanag ko agad sa
kaniya ang aking sitwasyon— na may exam ako kinabukasan. Tinanong niya kung ano
aking exam kinabukasan, ang sagot ko ay “SpeechCom
(SPCM).” Nagulat nalang ako nang bigla niyang sinabi na: “GE????! It’s like an appetizer; it’s okay if
you don’t eat them.” Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang linya
niyang iyon. Nakuha ko ang gusto niyang iparating— na okay lang na hindi
seryosohin ang mga GE na kurso, ngunit
hindi ito ang Allison Logic.
Ano nga
ba talaga ang Allison Logic? Makikita sa unang nabasa na inihalintulad ni
Kuya Allison ang GE subject sa isang kategorya ng pagkain: isang appetizer…
Hayaan niyong ibahagi ko ang pangalawang parte ng kuwento kung paano ito nagsimula
upang tuluyan nang mabigyang kahulugan ang kaisipang ito…
Ibinahagi ko ang engkwentro namin ni Kuya
Allison sa mga kaibigan ko sa kabilang kuwarto at natawa sila sa ginawang
pagkukumpara ni Kuya Allison ng isang subject sa isang pagkain. Doon nagsimula
ang lahat. Sa mga sumunod na araw, sa tuwing kakain kami ay hindi na namin
matanggal sa aming isip ang ginawang pagkukumpara ni Kuya Allison ng subject sa
pagkain kaya naman nakagawa narin kami ng sari-sariling paghahalintulad.
Halimbawa: ang katumbas ng PE sa pagkain ay asin; ang NSTP naman ay ketchup; ang
GE ay toyo-mansi; habang ang STAT 1 naman ay isang meal ng Big Belly’s.
Ngayon, ang tunay na depinisyon ng Allison logic: ang paghahalintulad ng mga
subject sa pagkain base sa kung gaano ito kabigat—ang mas mabigat na subject ay
katumbas ng mas mabigat na pagkain.
Kung ating
titignan, isang diskriminasyon ang ginagawa ng Allison logic sa mga subject na
maaaring magpababa ng tingin ng isang estudyante sa mga ito at maari ring
humantong sa sitwasyon kung saan ang mga estudyante ay magkaroon na ng
delingkwenteng pananaw tungo rito. Sa kabilang banda ang Allison logic ay maaring
makapagbigay ito ng magandang epektong sikolohiya kung saan gagaan ang pagtingin ng
mga estudyante sa mga makapagsunog-kilay na mga subjects sa pamamagitan ng
paghahalintulad ng mga ito sa mga mabibigat ngunit masasarap na pagkain.
Nagagawa nitong kahit papano maging katuwa-tuwa ang mga nakakatakot na mga
subjects sa pamamagitan pagbawas sa mga ito bilang isang pagkain.
Halimbawa ng isang engkuwentrong nagamitan ng Allison logic:
Halimbawa ng isang engkuwentrong nagamitan ng Allison logic:
Estudyante 1: “Grabe, ang hirap ng exam ko
bukas… Eng 1!”
Estudyante 2: “Wala yan, toyo lang yan,
kaya mo yan!”
Estudyante 1: “Oo nga! Toyo lang ‘to.
Kayang-kaya inumin!
Estudyante 2: “Oo, kaya mag-aral ka na nang
hindi mo matabig yang toyo mo!”
Ito ang
dalawang magkasalungat na pananaw na nakapalibot sa Allison logic. Ngayon
nakakatulong nga ba ito sa pag-aaral o isa nga ba itong daan tungo sa
delingkuwensiya?
No comments:
Post a Comment