Habang ako'y nagbubusy-bisihan sa aking desk ay
kinausap ako ng aking roommate.
Roommate: It's
Saturday evening, WHAT are you doing?
Me: Studying.
hehe...
Roommate: Okay,
that's fun...
Makalipas ang mga
limang minuto, bigla akong tumayo. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko
lang na may kailangan akong gawin kaya ako tumayo. Nagsimula akong maglakad sa kuwarto at hindi ko alam kung
ano ang pumasok sa aking isip at bigla ko nalang pinatay ang ilaw. Binuksan ko
naman agad ito nang matauhang pinatay ko ang ilaw ng walang dahilan; sabay
tanong sa aking sarili, "anak ng tinola, bakit ko nga ba nagawa yun?"
Nang humarap ako sa aking roommate ay binigyan niya ako ng mapanuring tingin
sabay sabing, "mukha kang bangag."
Sa isip ko: "oo nga, sa tingin ko nga."