Napakahaba ng pila kanina
para sa kuhaan ng form5/form5a at mahigit isang oras narin akong nakatayo nang
may kuyang bigla nalang tumayo sa aking harapan at nagproklamang kanya raw ang
pwesto na iyon. Hindi ako nakapagsalita nung una dahil nahihiya ako. Ilang
saglit lang ay may kakaiba akong naramdaman. Napansin ko na lamang na bahagyang
nanginginig na pala ang aking katawan-- hindi dahil sa galit kundi sa dahil
"hiya" habang iniipon ko sa aking loob ang pakiramdam na "may
mali" ngunit hindi ko masabi na mayroon dahil sa lecheng "hiya"
na yan.
"Kuya, sigurado po
ba kayong dito kayo nakapila?"
"Oo, may sinabi lang
ako dun sa harap... bumalik lang ako."
(Grabe, isang oras mong
sinabi yun?)
"Ganito po kasi eh,
kanina ko pa po nasa harapan si ate eh (yung nasa harap ko). Tsaka nandun pa po
sa dulo yung pila (tinuro ko yung 'totoong' dulo ng pila). Baka nagkamali lang
po kayo?"
Pinanatili kong kalmado ang tono ng aking pananalita kahit
nanginginig ang aking buong katawan habang nakikipag-usap sa kanya. Kung may
gusto man akong patunguhan sa aking mga sinabi paniguradong hindi iyon away.
"Ah ganun ba, sige
bukas nalang ako pipila." Sabi niya at siya'y umalis.
"Buti nalang", ang nasabi ko nalang sa sarili. Nang
mangyari yun, para akong nabunutan ng tinik sa puso. Maaring para sa iba ay
napakasimpleng bagay lang ng pakikipag-usap sa tao ngunit para sa akin ay
sobrang nasayahan ako sa aking ginawa. Hindi ko lang nakuha ang pwestong dapat
sa akin, nagawa ko ring "magsalita nang may boses" na hindi ko
inakalang kakayanin ko pala. Ang saya lang sa pakiramdam. :)