Monday, October 24, 2011

Kuwarto

       Naaalala ko pa ang aking unang semester bilang isang college student. Ang mga unang linggo ko rito ay nagmistulang  bakasyon sa isang napakalaki at madilim kuwarto. Alam kong bagong mundo na ang aking ginagalawan, ngunit hindi ko alam kung saan ako paroroon o kung ano ang dapat kong gawin. Alam kong maraming tao sa “kuwartong” iyon. Naririnig ko ang mga boses nila, naririnig ko ang kanilang masayang kuwentuhan. Kahit na hindi ko makita ang kanilang mukha sa kadiliman, alam kong sila ay nakangiti. Hindi ko maiwasan ang mainggit. Gusto ko ring sumaya. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang makakuwentuhan, ngunit hindi ko magawa. Sa kabila ng dilim ay kitang-kita ko ang katotohanan tungkol sa aking sarili- ang kolehiyo ay hindi isang lugar para sa isang taong tulad ko.
       Pabalik na sila, ngunit ako’y papunta pa lamang… Habang ang iba ay mayroon nang sariling grupo ng kaibigan, ako ay naghahanap palang. Noong mga unang araw, pagpasok sa classroom ay pinipili ko lagi ang upuan sa harap at pinaka-kanan. Nagsimula nang dumating ang aking mga magiging kaklase. Naroon parin ako sa aking kinauupuan, paunti-unting lumilingon sa aking likuran upang bigyan ng kaunting sulyap ang aking mga kaklase; upang makita ko ang mga mukhang aking makikita sa mahaba-habang panahon. Naroon ako sa aking kinauupuan, umaasa na may maglakas ng loob na tumabi sa akin. Habang papalapit na ang simula ng lecture, iniisip ko na ang tangi ko nalang atang pag-asa upang matupad ang aking hiling na magkaroon ng katabi ay ang maging sapat lamang ang dami ng upuan sa silid para sa mga estudyante… hindi ako nagkamali. Sa kasamaang palad (alam kong napakamakasarili kong tao sa paggamit nito… pasensya), sobra ang upuan para sa mga estudyante sa silid. Nakakalungkot. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang naging buhay ko sa mataas na paaralan sa buhay ko ngayon dito sa kolehiyo. Minsan sa dorm, habang ginagawa ko ang aking mga takdang aralin ay natitigilan nalang ako at napapayuko sa tuwing nakikita ko ang imahe ng aking sarili na nag-iisa… na walang kaibigan… na wala man lang nakakaalam kung ano ang aking pangalan. Napakabigat sa pakiramdam. Mahirap. Alam kong nairaos ko rin ang mga oras na ito, ngunit sa matagal na panahon at mayroong limitasyon (ang relasyon ko sa aking mga kaklase ay hanggang classroom lang). Maraming beses muna akong dumaan sa agos ng aking luha, ngunit ayaw ko nang tahakin ulit iyon. Alam kong kailangan kong lumakas. Dapat. Kailangan kong magbago at iyon ang gagawin ko.
       Sa ngayon, hinahayaan ko muna ang tinta upang lumuha para sa akin; upang ubusin na ang luha ng kahapon. Magsisimula na akong magbago ngayon. Alam kong mas malaking hamon pa ang naghihintay sa akin sa panibagong sem na aking papasukin. Muli akong babalik sa napakalaki at madilim na kuwartong una kong kinagisnan. Oo… ako ay babalik, ngunit alam ko na ngayon na sa kabilang dulo ng kuwartong iyon- kung saan ko naririnig ang mga masasayang boses- ay may nahihintay sa aking isang pintuan… Isang pintuan na aking kakatukin at ang mga may-ari ng boses sa likod ng pintuang iyon ay ako’y pagbubuksan. Sa wakas, ako’y magiging parte ng isang masayang kuwentuhan.

Follow me on Twitter:

Tuesday, October 11, 2011

French Fries (Isang Maikling Kuwento)

       Ang kuwentong ito ay tungkol sa pagkikita ng isang mahirap at isang mayaman. Kayo'y akin nang uunahan. Kung iniisip ninyo na ito ay isang kuwento tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong magkaiba ang mundo ay nagkakamali kayo pagkat ang mayaman at ang mahirap sa kuwento ay kapwa lalaki. Pangalanan muna natin ang mayamang tauhan sa kuwento bilang si Henry. Siya ay mayaman tulad ng unang nasabi, nasa kalagitnaan na ng buhay ang kaniyang edad, tipikal na Pilipino ang kanyang kulay at may katangkaran. Masipag na tao si Henry sa katunayan ay laki siya sa hirap at naulila ng mga magulang sa edad na  labing pito- ito ang nagtulak sa kanya upang mamasukan sa kung anu-anong trabaho upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor balang araw. At dahil na rin sa kanyang patuloy na pagsisikap ay nakatapos siya ng medisina. Walang asawa at anak si Henry, siya ay namumuhay mag-isa. Marahil dahil na rin ito sa sobrang pagkasubsob niya sa trabaho.

    Madaling araw na nang matapos ang trabaho, si Henry ay naghanap ng isang fast food restaurant na bukas sa buong magdamag upang kumain. Nang makakita ay bumaba siya sa kaniyang kotse at may biglang  kumalabit sa kanya.

       “Kuya, kuya nanood po ba kayo ng telenobela?”, ang sabi ng kumalabit sa kanya.
       Banaad ni Henry ang kahirapan sa itsura at pananamit ng batang kaharap-- mga onse anyos ang edad-- ngunit hindi niya ito pinandirihan pagkat siya mismo ay nanggaling rin sa kahirapan.
       Magalang na sinagot ni Henry ang nagtanong, “Boy, masyado akong abala para intindihin ang mga bagay na iyan”.
       Kahit nakitang hindi interisado si Henry ay nagpatuloy and mahirap sa kanyang sinasabi.
       “ Ang galing nung bida sa palabas na iyon! Simula sa pagiging mahirap ay umasenso at yumaman siya. Sana ganoon din ako”.

       Naawa si Henry sa bata at aabutan niya na sana ito ng pera ngunit inisip niya na baka kung saan lang magpunta ang bata kaya inaya niya nalang itong kumain sa Mcdo. Nakapasok na sa Mcdo si Henry nang mapansin niyang naghihintay lang sa labas ang bata.

       “Bakit ka nandyan sa labas? Halika’t pumasok.”
       “Mga mayayaman lang po ang pumapasok diyan ehh”
       Pinilit ni Henry na pumasok ang bata at tinanong kung ano ang gusto nitong kainin. Sumunod naman ito sa kanya.
       “Gusto ko po ng french fries”, ang sabi ng bata.
       Napansin ni Henry na nahihiya ang bata kaya pinalapit pa niya ito.
       “Halika rito at ituro mo sa akin ang french fries
       “Hindi ko po alam kung ano ang french fries diyan eh, naririnig ko lang po sa iba na masarap raw po iyon.”

       Nagulat si Henry sa nadinig. Hindi niya akalaing sa kabila ng kaunlaran ng Maynila ay may nagkukubling isang binata na sa buong buhay niya ay hindi pa nakakatikim ng french fries. Tinanong ni Henry kung ano ang pangalan ng bata. Ang pangalan pala nito ay Gabriel. Nagtanong pa si Henry tungkol sa buhay ng bata.

       “ Hindi ka ba nag-aaral?”
       “Kahit naman po na gustuhin ko ay wala naman po akong pera. Sapat lang po para makaraos ng isang araw ang aking kinikita.”
       Nagpatuloy si Gabriel, “Salamat po ulit dito sa french fries. Masarap pala po talaga ito. Alam ninyo po ba na sunod sa pag-aaral ay ipinagdadasal ko rin po talaga na makatikim din ako ng sinasabi nilang french fries! Salamat po at naibigay ninyo sa akin ang pagkakataon na makatikim ng ganito kahit sa una’t huling pagkakataon. Tingin ko po ngayon na ginamit kayong instrumento ng Panginoon upang masagot ang aking kahilingan.”

       Naantig si Henry sa mga sinabi ng bata. Nang dahil dito ay nagbigay ng katanungan si Henry na maaaring magpabago sa takbo ng buhay ni Gabriel.

       “Gusto mo ba talagang mag-aral?”.
       “Siyempre naman po, may mga ambisyon rin po ako sa buhay na nais abutin”
       “Kung gayon papayag ka ba na sumama sa akin at papaaralin kita? May french fries din doon sa amin.”

Nagkaroon muna ng isang dagat ng katahimikan bago nakasagot si Gabriel.

       “Tatanawin ko po iyon bilang isang malaking utang na loob!" Nagniningning ang mata ng bata. "Kahit wala na pong french fries!”, ang sabi ni Gabriel na sa mga oras na iyon ay umaabot na hanggang tenga ang ngiti.
        Tumawa ang dalawa at nilisan ang Mcdo nang magkasama.
       
       Noong gabing iyon ay hindi na tatandang mag-isa si Henry at dalawang panambitan ang natupad. Ang panambitan ng isang mahirap na makapag-aral at ang panambitan na makatikim ng pagkaing kanya lamang naririnig at hindi nalalasahan. Totoo ngang hindi natutulog ang Panginoon sa mga maliliit.


Follow me on Twitter :)
https://twitter.com/#!/paoloruedas

Saturday, October 1, 2011

Entering College is Kind of a Long Process

Going to college means a step closer to the fulfillment of your dreams. That is why choosing a college or a university, wherein you will be shaping up your future, is very essential. Of course, we, the seniors, the graduating  students, want to go, as much as possible, to a premiere university or a university which specializes in these-and-that courses. The problem is, getting to a college or a university is not as easy as entering its extensive gates. You need to undergo some screening, which are the entrance exams. Eyeing on the prize, we need to get into that certain college or university and blend in with its colors. We took neccessary preparations, enrolled ourselves in different review centers,  attended several sessions of review classes, browsed some how-to-survive-entrance-examinations guides, and crammed in our minds all the previous lessons in highschool, that more or less, had been forgotten. After taking these neccessary precautions for a better chance to not be included in the list of entrance examination casualties, it is now time for the entrance examinations, itself. Entrance examinations usually takes about 4 to 5 hours of shading test sheets and, sometimes, writing an essay. Veterans say that time pressure is your number one enemy in these exams. They were right. In the actual examination, you will really feel the time slipping fastly. So, you definitely need to anwser the test questions rapidly and, at the same time, accurately. When in desperation for an answer, just use the examinees secret weapon, the so-called, Shotgun. 
       Yes, you’re done taking the entrance exams but the whole screening to get into your dream university is yet to be over. Now, you will spend several agitating months, asking yourself  if your performance during the exam was enough to give you an outstanding result; worrying about getting a dreadful result. Getting the result of the entrance exams was one of those bittersweet moments. It was rejoiceful for those who passed; for those who didn’t, not so much. But, during those moments, you will really see the utter and unending support of your family and friends. It is not only you who’s happy when you passed, there are you friends and family happy for you, congratulating. It is not only you who’s sad when you didn’t make it, youre family and friends are there, wanting  to let you know how much they feel your pain. Nevertheless, passing a university was only a step, you still need to work hard for a brighter future. For those who didn’t pass, don’t close your doors, don’t let failing an exam govern your future. You just need to let go of the past; don't focus on the bad things; look on the bright side; and keep moving forward.

Friday, August 12, 2011

The Search for the Pigeon Hole (Pigeonhole)

So, I was there, staring in front of my Bio Lab instructor's office. Of course, I was looking something significant that was pinned down on the door; and soon enough, I found it, a note saying- "Get your Bio Lab Assignments @ the pigeon hole". That's it- nothing more; nothing less. Hence, with the information given to me by the door- which has the note- I set off with the quest of finding “the pigeon hole". However, the only information about the location that I have was these three words- the pigeon hole; not even a specific room where to find it was given. I didn’t know where to start. Therefore, I improvised. What I did was I imagined what the pigeon hole looked like (a kind of room with pigeons; a container that looked like a bird's nest; and other mad things I had thought of) with the hope that while I’m walking around the whole third floor level, finding the pigeon hole, I would recognize it.

(Nevertheless, despite all these unverified inferences about the pigeon hole, I was pretty sure about one fact- it has a hole.)

Accordingly, I walked around the whole floor level; unfortunately, I haven't seen any signs of the pigeon hole- not a single feather of clue. I nearly gave up until I realized that I already have this piece of technology which I just recently acquired this summer- a cell phone. So, I used a lifeline- I phoned a friend. At last, I now have the complete information about the location of the item I was looking for- room 303 B, the pigeon hole. I should be happy right? Yes, but not until I learned that room 303 B was just in front of my Bio Lab Instructor’s office- the starting point of my search- and visualized that awkward moment when the thing you were looking for was just a meter away but it cost you a mile finding it. Regardless of what happened, I entered the room- which was practically a teacher’s lounge- and asked the teachers inside where  the pigeon hole was, and they pointed me to a wooden shelf with many small compartments.

 Are you serious? This is it? A pigeon hole is a shelf? These were the questions that came into my mind. It’s really a bad thing when you expected too much. Nonetheless, I took my assignment, left the room, and briefly laughed at myself- well, at least, despite this humiliating fiasco, I still felt some kind of elation. Got to enjoy the little things. :)

P.S.        I typed “pigeon hole” on the Google machine and I learned that no such word exists; a “pigeonhole” does.

P.P.S.    If you knew about what a pigeonhole is for a long time, please don’t be bothered to comment here, on my Facebook or Twitter account, and slap me with the reality that I was just too ignorant for not knowing its meaning. To those who, like me, didn’t know about this, you are very free to leave a comment and make me feel better. J

Friday, August 5, 2011

During Math Time

  Following the tune of For The First Time by The Script, we came up with this song. Unfortunately, we got a line of 7- the so-called "palakol"-  for this project. Nevertheless, here's the song; and I guess we just needed- during that time- to let go of the past and keep moving forward, until one day, we'd just laugh about it (like right now). :)

Lorenzo Viernes, do you still have the video of this?


During Math Time

We’re all in the room wondering as if the place is dark
And scratching our heads ‘cause this Math problem is hard
And we don’t know how to solve this Math equation
It often leads us to frustration

Trying to make it work, but, man! This Math is hard

It needs us now but we can’t seem find a time
Now we pay the price in the unemployment line
And we realize now that we should’ve done our best in our Math tests
Someone help us ‘cause we’re filled with regrets

Trying to make it work, but, man! This Math is hard

But we’re going to start by:
Knowing all these Math terms and signs
Sit studying up all night
Knowing how to factor in awhile

We’re smiling ‘cause we know these things
Polynomials to Logarithms
And we just feel that we love it, like we meet it
During Math Time

We’re all in the room and with our heads held high
We may just fail in Math but we didn’t lose our flight
And we all know how we’re going to make it work when we fail
When we feel that Math is an impossible trail
Trying to make it work and I guess it’s working now

Because we all started by:
Knowing all these Math terms and signs
Sit studying up all night
Knowing how to factor in awhile

We’re smiling ‘cause we know these things
Polynomials to Logarithms
And we just feel that we love it, like we meet it
During Math Time

We know that Math is hard
But it can be that easy
Don’t give up on it baby

Read, Teach, and Learn

  Being a teacher for two days, I have had several realizations that will surely leave a mark in my mind and my heart. During this memorable experience- being a teacher- I’ve enumerated some of the obstacles that you will face in this profession- which were not really easy. But of course, what I did in school for the past few days- in scientific terms- was only a cell of what the teachers were sacrificing to fill our minds with knowledge and our hearts with values.

First obstacle, according only to my experience (teachers maybe facing different kinds of problems)- you really need to know what you are teaching. I’ve cracked my head several times- figuratively and not literally- just to cram all the concepts and ideas that I need for teaching inside my brain. I’ve really felt how my mind had been exhausted, studying for several hours, nearly sticking my eyes on the book, just for the students to learn. Imagine teachers doing hundred times as much as this- it is very difficult.

Secondly, knowing what you are teaching is not the only thing important in this job. You must also know the proper way to share your ideas to your students. You must know how to get the attention of your students for them to listen what you are talking about; or else, they tend to do other insignificant things and make noises instead. During my first day, my first class was III- Newton, the star-section- I was overwhelmed. My hands were cold, my heart was pounding and my body was inevitably shaking. At first, it was very hard for me to articulate my ideas; but, as I familiarize myself, I enjoyed teaching. Honestly, I miss teaching and my students/schoolmates right now.

Lastly, being a teacher was very tiring. Standing in front of the class for several straight hours, talking until you dry your throat out, checking vast amount of papers- it was really tiring. During those days, the moment I got home, I look first for the bed, lie down, and then, peacefully close my eyes, relieving the pressures and stresses of the whole day work. I’m very proud of our teachers, doing a work like this every day, it’s just admirable- their strength, their passion.

To all those who listened and learned something from me, I utterly give you my utmost gratitude. You gave me the push and the motivation that keeps teachers to continue their noble job. Moreover, to those who didn’t listen to me, I also thank you. You gave me the feeling of a teacher when they were talking in front of the class in vain and their voices just falling to close and reluctant ears. To all of my teachers, to all of the teachers in the world, and to Mommy J, who treated us as her real sons and daughters, thank you very much. It may sound like a cliché, but I won’t bother to use an overused idea a million times until everybody gets the message, teaching really is the greatest job in the world. I love you, teachers. Happy Teacher's Day!

Saturday, February 19, 2011

Ang Pagtatapos Sa Aking Sinimulan

Nanatili akong tapat sa aking paaralan, ang Ann Arbor Montessori Learning Center, sa loob ng sampung taon. Sampung taon ko itong naging pangalawang tahanan, minahal ko na talaga ito ng lubusan. Nasaksihan ko ang iba-ibang pagbabagong nangyari sa nakalipas na dekada. 2011 na nga pala ngayon. Parang kailan lang nangyari noong pinapapili ako ng aking mga magulang ng paaralan para sa pag-apak ko ng elementarya noong 2001. Naaalala ko pa noon nang pinapapapili ako ng aking mga magulang kung saan ko gustong mag elementarya base sa kulay. Saan mo gustong mag-aral? Sa blue na paaralan o sa green?, naaalala kong sabi sa akin ng aking ina. Siyempre blue ang pinili ko noon dahil iyon ang paborito kong kulay. At sa blue na paaralan nga talaga ako ipinasok. Siguro nga’y itinadhana talaga ako para sa paaralang ito.
Gaya ng unang nasabi, marami akong nasaksihang pagbabago dito sa itinuring kong pangalawang tahanan sa mahabang panahon. Noon, CASA,Grade School, at High School lang ang maaari mong tawaging building noon. Ang canteen dati ay nasa kasuluk-sulukan ng Ann Arbor at napakaliit ng daanan papunta. Parang eskinita. Kaya sa tuwing recess o lunch ang mga estudyante ay parang nagsisiksikang mga sardinas sa pagbili ng pagkain. Ang diskarte ko noon ay pinapahupa ko muna ang dami ng tao at sa mga huling sampu o limang minuto na lamang ako bibili ng pagkain. Mabilis naman akong kumain noon, sa katunayan, hanggang ngayon, kaya wala akong naging problema sa siksikan at sa ingay ng nasa palengke. Ngayon meron na ang Ann Arbor ng tinaguriang New Building ng mga estudyante. Ito ay humigit-kumulang pitong taon na ang lumipas simula ng maipagawa ito. Ang ipinaktataka ko lamang ay ilang taon na, simula ngayon, ang nakalipas ay New Building parin ang tawag ng mga estudyante rito. Hanep. Hindi naluluma. Palaging bago.
Para sa akin ang New Building ay isang simbolismo ng panibagong simula na ibinibigay ng Panginoon araw-araw. Ang New Building ang nagpapaalala sa mga estudyante na ang pagbabago lamang ang tanging permanente sa mundo. Sa mga oras na nahihirapan ang isang estudyante ng Ann Arbor at inaakala niyang wala ng magandang pagbabagong maaaring mangyari sa kanyang buhay- nagkakamali siya. Ipapamukha ko sa kanya na- Hayan o, bago,New Building, maganda parin. Ang New Building ang simbolismo ng panibagong pagpapahalaga at kaalaman na ibinibigay ng Ann Arbor Montessori sa kaniyang mga estudyante. Ang New Building ay simbolismo ng walang hangganang pagbabago. Hanep talaga. Hindi naluluma. Palaging bago. Ang canteen ngayon ay umasenso na. Kung dati ay parang nasa palengke ka’t nakikipagsiksikan na parang sardinas na nasa lata, ngayon ay malaki na ang canteen at mas marami nang tindahan. Bagamat maingay parin, mas okay na kaysa makipagkiskisan ka ng braso sa mga estudyante.
Ilan lamang ito sa mga pagbabagong nakita ko sa Ann Arbor. Hinding-hindi ko makakalimutan ang paaralang ito. Ngunit, gaya ng unang nasabi na walang hangganan ang pagbabago. Hindi ko lubos maisip na sa paglipas ng sampung taon ay magiging bagong estudyante ako ng bagong paaralan. Sampung taon akong hindi nangapa sa aking paligid pagkat alam ko na ang bawat sulok ng Ann Arbor. Ngayon, kailangan ko na ring pumunta sa panibagong paaralan at mangapa sa panibagong kultura. Oo, pupunta ako sa panibagong paaralan, ngunit ang Ann Arbor ay hindi ko makakalimutan at papalitan. Palaging magkakaroon ng espesyal na lugar ang paaralang ito sa aking puso. Magiging parte ito ng aking pag-abot sa aking mga pangarap habang buhay.



Saturday, February 12, 2011

Pagtatapos- Isang Pamamaalam

Mahigit isang buwan na lamang bago ako magtapos ng sekondarya. Mahigit isang buwan na lamang ang natitira sa halos sampung taon ng aking pamamalagi sa paaralang naging isang malaking parte sa paghubog ng aking pagkatao. Sa sampung taon ng pag-aaral sa aking paaralan ay marami akong natutunan. Marami akong natutunan, hindi lamang sa Math, Science, English o Filipino, na kailangan natin upang umunlad ang ating buhay; pati na rin ang mga aral at pagpapahalaga na nagturo sa atin upang maging mabuting tao at mga aral ng ibat't ibang mukha ng buhay na nagturo sa atin kung paano mabuhay, mismo.
  Maraming tao ang tumatak sa aking puso’t isipan. Ang mga taong ito’y mananatili sa habang buhay sa aking gunita at palaging magkakaroon ng lugar sa aking puso- mga kaibigan, mga kamag-aral, at siyempre, ang ating mga guro. Minahal at rinespeto ko ang lahat ng aking mga guro dahil utang ko ang lahat sa kanila kung bakit may laman ang aking utak ngayon. Kahit pa sabihin mo na sobrang hirap ng kaniyang tinuturo at nagmumukha ka’ng tagabundok dahil halos hindi mo na maintindihan ang kaniyang mga sinasabi; kahit napakabilis magalit ng isang guro at laging napapa-away sa klase; kahit ang gurong iyon ay sobrang nakakatakot at nagmumukha kang tila isang maamong tupa kapag siya ay malapit- mahat at rinerespeto ko sila.
  Sa lahat ng aking naging mga guro, si Ms. Julie ang talagang nag-iwan sa akin ng mga matatamis na ala-ala. Sinasabi nila at naniniwala ako na ang ating mga guro ay ang ating pangalawang mga magulang. Para sa akin, talagang nagampanan ni Ms. Julie ang pagiging isang magulang niya sa amin noong ako’y nasa ikatlong taon pa lamang sa pangkat Einstein. Napakalaki ng suportang ibinabahagi niya sa amin na nagpapatatag sa amin sa tuwing kami’y may hinaharap na problema. Nariyan pa noong ako’y nasa ikatlong taon at 84 lamang ang marka ko sa Physics nang 1st Quarter. Kailangan pa naman na wala kang marka na bababa sa 85 upang ikaw ay maging isang Achiever sa aming paaralan. Kinausap ako ni Ms. Julie tungkol dito. Naiintindihan ko naman ang aking sitwasyon at handa ko namang tanggapin kung hindi man ako magiging isang Achiever. Handa ko nang tanggapin ang pagkatalo dahil nangyari na rin naman ito dati noong ako’y nasa ikalawang taon pa lamang at ang naging marka o sa Math noong 1st Quarter ay 84 ay hindi ako naging isang Achiever, nakakapanghinayang nga lamang dahil kung nakapasok sa Achievers noong 1st Quarter ay makukuha ko na sana ang aking kauna-unahang medalya. Kung ako man ay handa na akong tumanggap ng pagkatalo- si Ms. Julie, hindi. Naniwala siya sa akin sa mga oras na hindi ako nagtiwala sa aking sarili, ipinaglaban niya ako hanggang huli habang ako’y nais nang tumigil, pinakiusapan niya si Brother Ernie dahil nanghihinayang siya sa pagkakataon. Napakiusapan naman si Brother(Ang bait talaga ni Brother) ngunit sinabi sa akin ni Ms. Julie na galingan ko sa susunod- na akin namang ginawa. May konting tampo nga ako sa naging adviser ko noong ikalawang taon, pero wala na iyon. Nang dahil kay Ms. Julie ay nakuha ko ang aking kauna-unahang medalya sa siyam na taong pag-aaral ko noon, sa paaralang iyon. Isa lamang ito sa napakarami pang mga nagawa ni Ms. Julie para sa amin. Nariyan lagi siya. Masaya para sa aming bawat tagumpay at nasasaktan rin sa tuwing kami’y may lungkot na dinadala. Napakasaya at ipinagmamalaki ko na kasama ako sa mga naturuan ni Ms. Julie.
  Sa aking mga nalalabing buwan sa aking paaralan ay marami akong iniisip- tamang kurso, magandang kolehiyo, ang aking mga pangarap. Masarap isipin ang mga bagay na ito, mga bagay naglalapit sa iyo at ng iyong mga pangarap. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito ay may isa pang bagay na masakit isipin- ang pamamalam. Ito ay ang pamamaalam sa mga taong naging malaking parte na ng iyong buhay sa mahabang panahon. Minsan nais ko nalang maiyak sa tuwing naiisip ko ang graduation. Nais kong maiyak dahil sa magkahalong tuwa’t lungkot. Iyak ng tuwa sa dahilang mas malapit na kami ng isang hakbang tungo sa aming mga pangarap at pangarap ng aming mga magulang. Iyak ng lungkot dahil maaaring sa graduation ko na lamang huling makikita ng personal ang mga mukha ng aking mga guro, mga kaklase at mga kaibigan na naging isang malaking parte sa paghubog ng aking pagkatao. Hindi ba’t masakit isipin na ang mga mukhang naging pamilyar sa iyo sa mahabang panahon, sa isang iglap lang ay hindi mo na masisilayan at sa gunita mo na lamang nabubuhay? Napakalungkot! Napakasakit!
  Grabe! Hindi ko na talaga mapigilan ang aking nararamdam habang sinusulat ko ito. Siguro kung sa papel ko ito isinulat ay hindi niyo na ito maiintindihan dahil sa malabong pagkakasulat- oo hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking luha sa pagsulat nito.
  Napakahirap sabihin ng salitang paalam kaya naman, habang may oras pa akong nalalabi kasama ang aking mga kaibigan at guro at sinusulit ko talaga. Ngayong ikaapat na taon lang ako natutong gumala kasama ang mga kaklase. Dati ay hindi ako mahilig sa pagsama sa mga kaklase mga lakad, ngayong taon ko lamang nakita ang halaga ng mga oras na kasama ko ang aking mga kaklase na para bang sa bawat lakad namin ay tila iyon na ang huli. Kung lingid sa iyong kaalaman, ngayong taon ko lamang naranasan ang pumasok sa Starbucks. Ngayong taon ay madalas akong sumasama kina Lorenzo, Marica, Chester, Anca at Ryan sa kanilang mga lakad at nagpapasalamat naman ako dahil tinatanggap nila ako. Nariyan rin sina Jason at Edward na nagturo sa akin na ang oras ay hindi lamang ginto, maaari rin itong maging pilak o kaya nama'y tanso. Nais ko talagang maging malapit sa mga taong ito habang kaya ko pa. Masaya ako sa tuwing kasama ko sila dahil naging mabuting kaibigan sa akin. Sila ang mga kaibigang hindi ko makakalimutan at mananatili silang isang napakahalagang kayamanan na habang buhay kong itatago sa aking isipan.
  Sa ating pagtatapos, tayo’y uusad, minsa’y may maiiwan at mayroon rin namang mananatili. Iniisip na lamang na ang lahat ng bagay ay nangyayari nang may dahilan. Sa ating pagtatapos, nawa’y gabayan tayo ng ating Panginoon, at nawa’y mahanap na tin ang dahilang ito.

Friday, February 4, 2011

Madilim na Karanasan, Maliwanag na Hangganan

Hindi malilimutang pangyayari sa aking paaralan? Marami ako niyan sapagkat hindi pa naman ako matanda para maging makakalimutin. Marami akong naging karanasan sa aking kinagisnang paaralan na hanggang ngayo’y malusog pa sa aking isipan. Hindi ko pa nalilimutan, noong ako’y nasa elementarya pa lamang, ipinatawag ang aking mga magulang sa aking paaralan dahil sa aking sagad-sa-lupang  mga marka sa Math. Hindi ko alam kung bakit, ngunit noong mga panahong iyon ay hirap na hirap na hirap talaga ako sa Math, tipong simleng division lang ay taon ang aking ginugugol habang ang aking mga kamag-aral ay minamani lamang ito. Habang marami pa rin ang kabataang  takot na takot sa Math ay nakahanap ako ng isang matalik na kaibigan na napakagaling rito. Hindi ko lang alam kung napakaliit na talaga ng pagtingin ko sa aking sarili ngunit napakataas ng pagtingin ko sa kanya- ikinukumpara ko na nga siya sa isang calculator, kahit scientific pa, sa sobrang galing niya sa Math. Lahat nang assignments ko sa Math ay sa kanya ko pinapagawa. Sa tulong niya ay maraming beses na nailigtas ang aking naghihirap na utak sa mga makapanugong-ilong na mga equations at formulas. Sa kabila ng aking paghihirap sa subject na ito ay nakahanap ako ng kalakasan sa Science. Dito ako nakahanap ng magandang tahanan para sa aking pag-iisip. Dito ko binubuhos ang lahat ng aking makakaya ngunit nakalimutan ko na hindi lang Science ang subject na dapat pag-aralan.
    Hindi siguro magandang tignan ang binahagi kong mga pangyayari tungkol sa aking sarili. Pero, para sa akin, ito ay depende kung paano mo siya titignan. Para sa akin, ang mga matatagumpay na tao ay ang may mga pinakamagagandang karanasan sa buhay, kasama na rito ang mga karanasang maaaring pinakamasalimuot para sa iba. Natututo tayo sa ating mga karanasan kahit na ito’y hindi kanais-nais at ang mga karanasang ito ang nagliligtas sa atin sa muling pagkadapa.
  Nakita ko ang lahat ng aking pagkakamali noong ako’y nasa elementarya at nagsimulang magbago ang lahat noong ako’y pumasok na ng sekondarya. Natuklasan kong hindi pala ganoon kahirap ang Math. Kaya ko palang makipagsabayan sa iba at unti-unting nawala ang aking pagmamaliit sa sarili.
   Hindi pala maganda ang lagi kang umaasa sa ibang tao, parang inaamin mo na rin na wala kang kuwentang tao; na hindi mo kayang tumayo sa sariling mga paa; na wala ka nang pag-asa upang lumaki. Kung inaasa mo lamang sa iba ang mga gawain dahil ikaw ay nahihirapan, kahit kailan ay hindi mo matututunan kung paano ito gawin. Hindi mo rin mararanasan ang sarap ng pakiramdam kapag natapos mo ang isang gawain gamit ang sariling sikap. 
  Natutunan ko rin ang pantay-pantay na pagpapahalaga sa mga bagay-bagay  hindi lamang sa iyong mga kapangyarihan at kalakasan. Sa tingin ko ay ito ang pagpapahalagang nakakalimutan ng ating sakim na nakaupo sa pamahalaan. Mas pinapahalagahan nila ang kanilang kapangyarihan. Hindi nila alam o kaya naman ay wala talaga silang pakialam sa mga mahihirap nating kababayan na nagdurusa at nagiging biktima ng kanilang kasakiman.
  Hindi ko makakalimutan ang mga karanasang ito dahil ang mga ito’y nagpatatag sa akin kahit na pilit ako nitong idinarapa. Ito ang mga karanasang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon. Hindi ko naman sinasabi na malayo na ang narating ko ngunit ang mga karanasang ito, kasama ng Diyos, ang magdadala sa akin sa tuluyan kong pag-abot sa aking mga pangarap.


Friday, January 28, 2011

Hindi Mo Masilip Ang Pag-ibig

 Unang pag-ibig, isang napakalawak at napakabigat na paksa.  Napakalawak, dahil napakaraming pagpapakahulugan ang ibinibigay ng mga tao rito. May mga nagsasabi na bulag daw ang pag-ibig, may mga nagsasabi na ang pag-ibig ang pinakamalakas na pwersa sa buong mundo, para sa mga nagmamahalan sa kanilang murang edad, partikular sa mga teenagers(hindi ko sila nilalahat), ito raw ay isang batang pag-ibig. Ilan lang ito sa napakahabang listahan ng mga ipinagpapakahulugan ng mga tao sa pag-ibig na kung sisimulan mo ang paglilista ngayon baka matapos mo pa bago ka malagutan ng hininga. 
  Sa kabila ng listahang ito, mayroon ba tayong matatawag na tunay? May nakakaalam ba ng tunay na kahulugan ng pag-ibig? Para sa akin ito ay isang katangian ng pag-ibig kung bakit ito’y naging isang napakabigat na paksa- hindi mo alam kung pag-ibig na ba ang nararamdaman mo. Kaya naman ikinalulungkot kong sabihin na wala pa akong unang pag-ibig. 
  Kung kayo man ay nayayamot sa aking sinabi, pasensya na, dapat siguro’y sinabi ko na agad sa una pa lamang nang hindi na kayo nag-abalang basahin ang aking blog at agad sanang isinara itong bintana(window). Ngunit, maaaring meron rin ngunit mas ligtas na sabihing siya lamang ay isang inspirasyon para sa akin. Bata pa ako, hindi naman sa ako'y manhid, ngunit sa edad kong ito ay hindi dapat ako umaasa na matatawag ko ang sarili na umiibig na. Hindi ibig sabihin na kung hindi ka umiibig ay hindi mo na makakamtan ang pagmamahal. Ngayon, masaya ako dahil nararamdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, ng aking pamilya, ng aking mga kaibigan at ng mga taong naging malapit sa puso ko. Sila ang kumukumpleto sa aking pagkatao; sila ang aking dahilan sa kabila ng aking paggising araw-araw; sila ang inspirasyon ng aking pagpapatuloy sa tuwing ako’y tumitigil o pilit na pinipigilan. Napakasayang magmahal at nang minamahal ka, isang magaan na responsibilidad hindi tulad ng resposibilidad na kaakibat ng pag-ibig lalo na sa mga oras na ito'y mapanlinlang.
  Ang pag-ibig, tulad ng una ko nang nasabi ay isang napakalawak at napakabigat na paksa. Ang pagmamahal naman, para sa akin at kung atin ring iisipin, ay mas malawak sa pag-ibig. Ito rin ay mas magaan na salita kung ikukumpara sa pag-ibig kaya naman masasabi kong ako’y nagmamahal muna at hindi pa umiibig.

Saturday, January 22, 2011

Libro, Palabas, Pagbabago, Teknolohiya, Panahon... Pagmamahal - Isang Maikling Kuwento

          Kilala sa buong paaralan, malimit na kinaiinggitan, taglay ang halos lahat ng magagandang katangian na hahanapin mo sa isang tao-- hindi ako ito. Ito lang naman ang babaing kasama sa aking mga pangarap. Hindi ko sigurado kung pagmamahal na ba itong nararamdaman ko sa kanya ngunit isa lang ang nasisiguro ko- nais kong “muling” maging malapit sa kanya.

            Una kaming naging malapit ni Lisa sa isa’t-isa noong kami’y Grade 1 pa lamang. Ito ang mga kapanahunang inosente pa ang aming isipan; mga kapanahunang punung-puno ng kaligayahan ang aming mga musmos na mukha at sa mga paru-paro pa nakikipaghabulan. Alam pa namin noon ang hilig ng isa’t-isa at nagdadamayan sa tuwing ang isa ay may problema. Nagtagal rin ang ganito naming pagsasama simula noong taong unang nabigyan ng buhay si Harry Potter sa sinehan hanggang sa taong nakalabas na ng Harvard ang Facebook at nabuksan sa buong mundo-- mga apat na taon rin iyon. Simula nung taong iyon, habang parami na nang parami ang nahuhumaling sa paggamit ng Facebook ay parami na rin nang parami ang nagkakagusto kay Lisa. Ako naman ay nawala sa eksena. Naging mahalagang bahagi siya ng maagang parte ng aking buhay. Ngayon, ang mga bahaging ito ay isa na lamang ala-ala.
          
          Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nalayo sa kanya. Ito lang ang masasabi ko- isa akong malaking talunan. Ako nga pala si Manuel. Naroon ako sa isang sulok ng canteen, kulot ang buhok at suot ang aking hugis bilog na salamin na lalo pang nagpapalaki sa aking malaki nang mga mata. Madalas mo akong makikita na nagbabasa ng mga libro lalo na ang Harry Potter na aking sinubaybayan simula pa noong aking pagkabata. Madalas ko ring lihim na sinusulyapan ang magandang mukha ni Lisa... ang mukha niyang  laging napapalibutan ng kanyang mga sosyal na mga kaibigan at mga masusugid na manliligaw. Tanging ang mga librong ito at ang mga ala-ala ko kay Lisa ang nagpapasaya sa aking mapagisang buhay.
  
          Ngayong araw ay masaya ako ngunit may halong pagkalungkot dahil ngayon ipapalabas ang pangalawa sa kahuli-hulihang pagkakataon bilang isang pelikula ang librong gumawa ng pagbabago sa maraming kabataan na sinubaybayan ito hanggang sa huli. Ang librong naging malaking bahagi sa paghubog ng aking pagkatao- alam na ninyo siguro ang tinutukoy ko. Maaga akong nagpareserba ng tiket upang masiguro ang aking puwesto sa sinehan dahil mabilis magka-ubusan-- nagkaka-ubusan rin kaya ng mga tiket sa mga tagalog films o sadyang tuluyan nang nasakop ng kanluran ang ating puso at isipan?
  
          Ako’y talagang nasasabik na. Nang pumasok ako sa sinehan ay marami nang tao. Hinanap ko ang numero kung saan ako dapat umupo. Madali kong nahanap ang aking upuan ngunit nahirapan akong umupo dahil sa hindi inaasahang pagkakataon...

          Anong ginagawa niya dito?! Bakit sa sinehan pa na ito?! Bakit sa tabi ko pa?!

          Nakita ko si Lisa sa tabi ng aking upuan.... 

          Nagpapasalamat ako at nagawa ko ring umupo ngunit nakuha nito ang atensyon niya. Nagkatinginan kami sa mata ngunit mabilis kong linayo ang aking tingin. Naramdaman kong bumilis ang aking paghinga at pagtibok ng aking puso. Paulit-ulit na tinatanong ko sa sarili kung bakit siya nandito. Mag-isa lang siya? Nasaan ang kanyang mga kaibigan? Hindi talaga ako mapalagay na siya ang katabi ko... Nawa’y makasunod ako sa daloy ng eksena ng palabas. Kung iniisip ninyo na: "Ano ba yan? Napakaliit naman ng mundo, napakagaling naman ng pagkakataon. Parang hindi naman kapani-paniwala." Pramis, peksman gayon din ang tumatakbo sa utak ko.
  
          Kinalaunan ay napagdesisyunan kong huwag nalang siyang pansinin at panoorin nalang ang  palabas. Ngunit sa kalagitnaan ng pelikula ay may isang tinig na nagpabilis nanaman ng tibok ng aking puso... Nagsalita si Lisa at alam kong ako ang kinakausap niya. 

         “Harry Potter... ito yung mga librong pinapabasa mo sa akin ngunit ayaw ko noong mga bata pa tayo diba?” 

          Nagulat ako sa aking narinig. Ayon sa aking ala-ala, alam kong tamad siyang magbasa ng libro ngunit hindi ko akalaing may naaalala pa siya tungkol sa akin. Tanging pagtango lang ang aking nasagot. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagkaroon ako ng lakas upang magtanong sa kanya. 

           “Mag-isa ka ata ngayon, hindi mo ba kasama ang iyong mga kaibigan?”

          “Kasama ko sila papunta dito ngunit wala silang tiket dahil hindi sila mahilig manood ng mga ganitong klaseng pelikula at nagka-ubusan na. Ako naman, matagal ko nang pinareserba ang tiket ko kaya ako lang ang mag-isa ngayon. Nakahiligan ko na ring magbasa nito dahil sayo, parang ito na nga lang yung ala-ala ko sayo simula nang umiwas ka sa akin. Bakit ka lumayo?” 

          Nang marinig ko ang mga huling katagang iyon ay pilit kong kinukumbinsi ang sarili na ako ay nasa isang panaginip lamang. Nais ko na lamang matapos ang pelikula at umalis upang buhusan ang sarili ng tubig upang malaman kung totoo ba ito o hindi. Hindi ko akalaing sa pagkahaba-haba ng panahong inakala ko na hindi niya ako makikita pagkat hindi kami pantay ay handa pala siyang bumaba upang makita ako. Hindi ko masagot ang kanyang tanong dahil hindi ako makapagsalita. Natapos na ang pelikula, ako ay tumayo, tumalikod sa kanya at umalis na. Nang kunin ko ang aking unang hakbang palabas ay nanigas ang aking buong katawan. Muntik na akong mawalan ng ulirat. Yinakap ako ni Lisa.

           Hindi ko makita ang kanyang mukha pagkat ako’y nakatalikod, ngunit naririnig kong siya’y umiiyak noong sinabi niya sa akin, “Manuel, bakit ka lumayo? Namimiss na kita, sana mabalik yung samahan natin tulad ng dati. Miss na miss ko na ang Manuel na nandyan na kayang-kaya akong pangitiin kahit sobrang bigat na ng lahat sa paligid." 

          Nang marinig ko ang mga katagang ito mula kay Lisa ay tila mawawasak ang aking puso. Nasaktan ko pala siya nang nagdesisyon akong lumayo mula sa kanya. Pakiramdam ko napakasama kong tao...

          Humarap ako sa kanya at sinabing, “Patawarin mo ako Lisa, akala kong ang paglayo ko sayo ay para sa ikabubuti mo. Inisip ko na ang isang ako ay hindi maaaring maging malapit sa iyo. Inisip ko na baka pagtawanan at itakwil ka ng mga kaibigan mo kapag naging malapit ako sayo. Sorry Lisa, naging duwag ako. Sorry, sorry."

      Tuwid ang mukha ni Lisa nang ito'y aking pinagmasdan. Ilang saglit pa ang lumipas at walang sinuman  ang nagsasalita sa amin. Pinagmasdan ko lang ang napakagandang mukha ni Lisa. Tinitigan ko siya hanggang sa siya'y  biglang ngumiti (ang ganda niya lalo!) at sinabing, "Hay nako Manuel, ang drama mo parin! Halika nga rito!"

       Yinakap ako ni Lisa. Yinakap namin ang isa’t-isa ng sobrang higpit hanggang sa napansin namin nakalabas na pala ang lahat ng tao sa sinehan. Simula noon nabalik na ang dati naming pagsasama ni Lisa. Masaya kaming sa tuwing kasama namin ang isa’t-isa. Sadyang magkagaanan kami ng loob. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang aking tunay na nararamdaman, bata pa kami at marami pang pagdaraanan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil tinupad niya ang aking panambitan na akala ko’y isang pangarap na lamang. Nakakatawang isipin na ang aking pagmamahal sa isang libro at palabas ay nakatulong upang panatiliin ang nalingid na pagkakaibigan. Ngunit naniniwala ako na ang tunay na dahilan kung bakit muli kami muling nagkalapit ni Lisa ay dahil sa tunay na pagmamahal ng isang kaibigan na sa paglipas ng panahon, kahit magkaroon man ng maraming pagbabago sa inyong mundo, ay mananatiling matatag hanggang dulo.