Ang kuwentong ito ay tungkol sa pagkikita ng isang mahirap at isang mayaman. Kayo'y akin nang uunahan. Kung iniisip ninyo na ito ay isang kuwento tungkol sa pag-iibigan ng dalawang taong magkaiba ang mundo ay nagkakamali kayo pagkat ang mayaman at ang mahirap sa kuwento ay kapwa lalaki. Pangalanan muna natin ang mayamang tauhan sa kuwento bilang si Henry. Siya ay mayaman tulad ng unang nasabi, nasa kalagitnaan na ng buhay ang kaniyang edad, tipikal na Pilipino ang kanyang kulay at may katangkaran. Masipag na tao si Henry sa katunayan ay laki siya sa hirap at naulila ng mga magulang sa edad na labing pito- ito ang nagtulak sa kanya upang mamasukan sa kung anu-anong trabaho upang makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor balang araw. At dahil na rin sa kanyang patuloy na pagsisikap ay nakatapos siya ng medisina. Walang asawa at anak si Henry, siya ay namumuhay mag-isa. Marahil dahil na rin ito sa sobrang pagkasubsob niya sa trabaho.
Madaling araw na nang matapos ang trabaho, si Henry ay naghanap ng isang fast food restaurant na bukas sa buong magdamag upang kumain. Nang makakita ay bumaba siya sa kaniyang kotse at may biglang kumalabit sa kanya.
“Kuya, kuya nanood po ba kayo ng telenobela?”, ang sabi ng kumalabit sa kanya.
Banaad ni Henry ang kahirapan sa itsura at pananamit ng batang kaharap-- mga onse anyos ang edad-- ngunit hindi niya ito pinandirihan pagkat siya mismo ay nanggaling rin sa kahirapan.
Magalang na sinagot ni Henry ang nagtanong, “Boy, masyado akong abala para intindihin ang mga bagay na iyan”.
Kahit nakitang hindi interisado si Henry ay nagpatuloy and mahirap sa kanyang sinasabi.
“ Ang galing nung bida sa palabas na iyon! Simula sa pagiging mahirap ay umasenso at yumaman siya. Sana ganoon din ako”.
Naawa si Henry sa bata at aabutan niya na sana ito ng pera ngunit inisip niya na baka kung saan lang magpunta ang bata kaya inaya niya nalang itong kumain sa Mcdo. Nakapasok na sa Mcdo si Henry nang mapansin niyang naghihintay lang sa labas ang bata.
“Bakit ka nandyan sa labas? Halika’t pumasok.”
“Mga mayayaman lang po ang pumapasok diyan ehh”
Pinilit ni Henry na pumasok ang bata at tinanong kung ano ang gusto nitong kainin. Sumunod naman ito sa kanya.
Pinilit ni Henry na pumasok ang bata at tinanong kung ano ang gusto nitong kainin. Sumunod naman ito sa kanya.
“Gusto ko po ng french fries”, ang sabi ng bata.
Napansin ni Henry na nahihiya ang bata kaya pinalapit pa niya ito.
“Halika rito at ituro mo sa akin ang french fries”
“Hindi ko po alam kung ano ang french fries diyan eh, naririnig ko lang po sa iba na masarap raw po iyon.”
Nagulat si Henry sa nadinig. Hindi niya akalaing sa kabila ng kaunlaran ng Maynila ay may nagkukubling isang binata na sa buong buhay niya ay hindi pa nakakatikim ng french fries. Tinanong ni Henry kung ano ang pangalan ng bata. Ang pangalan pala nito ay Gabriel. Nagtanong pa si Henry tungkol sa buhay ng bata.
“ Hindi ka ba nag-aaral?”
“Kahit naman po na gustuhin ko ay wala naman po akong pera. Sapat lang po para makaraos ng isang araw ang aking kinikita.”
Nagpatuloy si Gabriel, “Salamat po ulit dito sa french fries. Masarap pala po talaga ito. Alam ninyo po ba na sunod sa pag-aaral ay ipinagdadasal ko rin po talaga na makatikim din ako ng sinasabi nilang french fries! Salamat po at naibigay ninyo sa akin ang pagkakataon na makatikim ng ganito kahit sa una’t huling pagkakataon. Tingin ko po ngayon na ginamit kayong instrumento ng Panginoon upang masagot ang aking kahilingan.”

Naantig si Henry sa mga sinabi ng bata. Nang dahil dito ay nagbigay ng katanungan si Henry na maaaring magpabago sa takbo ng buhay ni Gabriel.
“Gusto mo ba talagang mag-aral?”.
“Siyempre naman po, may mga ambisyon rin po ako sa buhay na nais abutin”
“Kung gayon papayag ka ba na sumama sa akin at papaaralin kita? May french fries din doon sa amin.”
Nagkaroon muna ng isang dagat ng katahimikan bago nakasagot si Gabriel.
“Tatanawin ko po iyon bilang isang malaking utang na loob!" Nagniningning ang mata ng bata. "Kahit wala na pong french fries!”, ang sabi ni Gabriel na sa mga oras na iyon ay umaabot na hanggang tenga ang ngiti.

Tumawa ang dalawa at nilisan ang Mcdo nang magkasama.
Noong gabing iyon ay hindi na tatandang mag-isa si Henry at dalawang panambitan ang natupad. Ang panambitan ng isang mahirap na makapag-aral at ang panambitan na makatikim ng pagkaing kanya lamang naririnig at hindi nalalasahan. Totoo ngang hindi natutulog ang Panginoon sa mga maliliit.
Follow me on Twitter :)
https://twitter.com/#!/paoloruedas
No comments:
Post a Comment