Unang pag-ibig, isang napakalawak at napakabigat na paksa. Napakalawak, dahil napakaraming pagpapakahulugan ang ibinibigay ng mga tao rito. May mga nagsasabi na bulag daw ang pag-ibig, may mga nagsasabi na ang pag-ibig ang pinakamalakas na pwersa sa buong mundo, para sa mga nagmamahalan sa kanilang murang edad, partikular sa mga teenagers(hindi ko sila nilalahat), ito raw ay isang batang pag-ibig. Ilan lang ito sa napakahabang listahan ng mga ipinagpapakahulugan ng mga tao sa pag-ibig na kung sisimulan mo ang paglilista ngayon baka matapos mo pa bago ka malagutan ng hininga.
Sa kabila ng listahang ito, mayroon ba tayong matatawag na tunay? May nakakaalam ba ng tunay na kahulugan ng pag-ibig? Para sa akin ito ay isang katangian ng pag-ibig kung bakit ito’y naging isang napakabigat na paksa- hindi mo alam kung pag-ibig na ba ang nararamdaman mo. Kaya naman ikinalulungkot kong sabihin na wala pa akong unang pag-ibig.
Kung kayo man ay nayayamot sa aking sinabi, pasensya na, dapat siguro’y sinabi ko na agad sa una pa lamang nang hindi na kayo nag-abalang basahin ang aking blog at agad sanang isinara itong bintana(window). Ngunit, maaaring meron rin ngunit mas ligtas na sabihing siya lamang ay isang inspirasyon para sa akin. Bata pa ako, hindi naman sa ako'y manhid, ngunit sa edad kong ito ay hindi dapat ako umaasa na matatawag ko ang sarili na umiibig na. Hindi ibig sabihin na kung hindi ka umiibig ay hindi mo na makakamtan ang pagmamahal. Ngayon, masaya ako dahil nararamdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, ng aking pamilya, ng aking mga kaibigan at ng mga taong naging malapit sa puso ko. Sila ang kumukumpleto sa aking pagkatao; sila ang aking dahilan sa kabila ng aking paggising araw-araw; sila ang inspirasyon ng aking pagpapatuloy sa tuwing ako’y tumitigil o pilit na pinipigilan. Napakasayang magmahal at nang minamahal ka, isang magaan na responsibilidad hindi tulad ng resposibilidad na kaakibat ng pag-ibig lalo na sa mga oras na ito'y mapanlinlang.
Ang pag-ibig, tulad ng una ko nang nasabi ay isang napakalawak at napakabigat na paksa. Ang pagmamahal naman, para sa akin at kung atin ring iisipin, ay mas malawak sa pag-ibig. Ito rin ay mas magaan na salita kung ikukumpara sa pag-ibig kaya naman masasabi kong ako’y nagmamahal muna at hindi pa umiibig.

Paolo! naiiyak ako. hahaha. Joke lang. Galing mo talaga.
ReplyDeleteWow. Galing mo, Paolo! Kaya pala binigyan ka ng sampung palakpak ni Sir Yuan! :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete